MGA PAALALA:
Ang sinumang papasok sa pintuang ito ay magkakamit ng Indulhensya Plenarya o ang lubusang pagkapawi ng makalupang parusa ng mga kasalanang napatawad na sa kumpisal (CCC 1471).
Samakatuwid, dahil sa awa at biyaya ng Diyos na pinapadaloy niya sa Simbahan, ang INDULHENSIYA PLENARIA ay nagdudulot ng kapatawaran sa PARUSA na dulot ng kasalanan na ating nagawa at una nang napatawad sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpisal.
Sa pagtanggap ng Indulhensiya Plenaria, ang bakas ng kasalanan na marapat na kaharapin, linisin, at pagdusahan sa purgatoryo sa ating pagpanaw ay mawawala na.
Maari mo rin itong ialay para sa kaluluwa ng isang taong yumao na, ngunit hindi mo ito maaring ialay sa isang tao na nabubuhay pa sa daigdig na ito. Ito ay maaring makamit, ISANG BESES LAMANG sa isang araw.
Paano natin makakamit ito ngayong Hubileyo ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa ating bansa?
Una at higit sa lahat, kailangan munang siguruhin na ikaw ay nasa Estado ng Grasya ng Diyos. Ang ibig sabihin,siguruhin na ikaw ay nasa Estado ng Grasya ng Diyos. Ang ibig sabihin, ikaw ay nakapangumpisal, dumadalo ng Misa, at tumatanggap ng Banal na Komunyon.
Kapag ikaw ay nasa estado ng grasya ng Diyos, maari nang gawin ang mga alituntunin sa pagpasok sa Jubilee door
1. Pumasok sa Pintuan ng Hubileyo habang nag-aantanda ng Krus. 2. Dasalin ang mga Sumusunod
a. Ang Sumasampalataya b. Ang intensyon ng Santo Papa at ng buong Simbahan; c. Ang paglago ng Pananampalataya at; d. Paglago/pagdami ng banal na Bokasyon
3. Pagkalabas ng Simbahan, mag-kawanggawa sa nangangailangan.
Halina at dumalaw sa ating parokya at sama sama nating tamasahin ang grasya ng Diyos na may kalakip na pag-iingat, pagmamalasakit at pagmamahal.